Noon, kapag sinabing Made in China -- iisipin mo agad na mahinang kalidad. Sino ba yang nagkakalat ng fake news noon. LOL.
Baka dahil sikat ang mga American products noon, isang dahilan na ang "Hollywood movies" (malaking impluwensya ang mga kinakain at tatak ng damit o gamit ng mga artista nito).
Sikat na rin naman ang China sa atin noon pa, pero sa mga lutuin - lalo ang engrandeng selebrasyon ng Chinese New Year. Ngayon - lumalaban ang Made in China movies sa special effects ng Hollywood. Pero ibang istorya na yan.
Siguro pa, dahil mabilis tayong mapaniwala ng mga "commercial" sa TV. Pagandahan ng epeks, scripts at pasikatan ng mga makukuhang celebrity endorsers. At wala pa kaseng social media noon na katatakutan ng mga media na to.
Aminin man o hindi, kinatatakutan o nagiging mas maingat na ang media sa pagpapalabas ng kanilang shows at higit na ang balita - dahil nga social media.
Kahit sa online shopping, babatikusin o kayang ibagsak ang isang produkto sa mga reviews pa lamang na ipo-post ng mga nakabili. Kaya paganda ng paganda na ang kalidad ng Made In China, matuto ka lang magbasa ng reviews.
Maraming companies ang umaangkat pa talaga ng Made in China o pumupunta pa talaga sa China para bumili (alam ng Boss mo yan, lol). Dagdag pa nito, may mga customized products mula China na mura mo lang mabibili online kumpara sa ipapa-sadya mo pa dito sa Pilipinas -- yun lang, magbibilang ka ng araw bago dumating. Nasabi ko yan kase nasubukan ko na. At hindi yan fake news.
Kahit sa sikat na online store mo na Shopee at Lazada, napakaraming "Made in China".
https://www.made-in-china.com
1 Comments
I am extremely impressed barbie checkered jacket with your writing skills as well as with the layout on your blog.
ReplyDeleteShare your comments here.