Okada Manila Walking Tour 2019



Pagkatapos mag-buffet, ano pa nga ba ang dapat gawin kung hindi magpatunaw, di'ba? Mabuti nalang at mejo malawak ang Okada Manila. Maraming pwedeng lakaran nang hindi ka nadudugyot dahil airconditioned ang buong lugar. Pati ang mga pasilyo, malamig. Pati CR, malamig. Hi-tech ang inidoro. Feel na feel mo talaga ang pagiging tamad sa CR dahil mauupo ka nalang. Pipindot-pindot ka nalang at mahuhugasan na ang dapat mahugasan. May bonus pang blower so pati yung mga chismis sa kanto, mahuhugasan at matutuyo talaga.

Kung nagugutom ka na ulit pero walang budget, sorry pero Chatime lang ang pinaka-mura dito. Walang 7Eleven na paborito nating lahat. Pwede ka namang magbaon ng outside food pero huwag masyadong madami kasi pagdaan mo sa x-ray machine sa entrance, baka masita ka. Bawal magpuslit ng goto na naka-plastic. Sa mga panahong ito, bestfriend mo ang mga microwavables at mga tupperware ni mother.

Mas maganda rin kung may sarili kang data or wifi hotspot dahil limited lang ang free wifi as usual. Sayang ang lamig kung hindi ka rin naman makaka-wifi.

Bawal din magpicture or mag-video sa may Casino area. Yes, kahit sa may entrance ng Casino, bawal. Kung type mong kinukuyog ka ng mga guard at marshals, sige lang, go. Kukunin ang phone mo at buburahin ang mga photos at videos mo. Malay ba nila kasi kung may tinitiktikan kang high rollers sa Casino, di'ba? Kaya kung gusto mo ng tahimik na buhay sa Okada, huwag masyadong pasaway. Given na maraming pasosyal sa Casino, make sure na alam mo ang do's and dont's because #PASOSYALisLife

Visit OKADA Manila now! 
http://www.okadamanila.com

Post a Comment

0 Comments