Opinion, below (as of 17 June, Monday) kuyabo@taralets.com
Si kapitan Junel Insigne na-trauma daw. Dapat sila ang magkikita ni Pangulong Duterte eh. Kaya kusinero na lang po niya (ng barko) ang haharap sa pangulo. Ayaw naman nating husgahan agad o pag-isipan ng kung ano si Junel (huh parang yung driver ni De Lima lang di ba Junel din yon. Juneeeeelllll..) Pero tingin ko masama ang loob nya syempre sa administrasyon dahil sa posisyon nito sa isyu.
Mukang napa sama pa ata yung pagpunta ni secretary Cusi sa mga biktimang mangingisda. Nagsalita kase agad ang secretary na hindi sinasadya ng mga Tsino ang pag bangga sa kanila. Sabihin na natin na di nga sinasadya, bakit naman iniwan? Di ba? Iniwan yung mangingisda sa laot. Gabi pa naman. Ang isyu ay hindi kung sinasadya ba o hindi. Na hit and run nila ang mga Filipino eh. Si secretary ay cabinet member parang sya na rin yung alter ego ng presidente. Kung ano yung sinasabi nya ay parang sinasabi na rin ng presidente. Dapat ay maingat sila sa pagbibigay ng mga pahayag lalo na sa pagkiling sa mga kontrabida ng kasalukuyang istorya.
Naiintindihan ko si presidente sa pagiging maingat sa isyu na to. Rest assured na-iintindihan natin si presidente dyan. Dapat nga kase itong pinag uusapan sa diplomatic table. Ang ano mang pahayag na labag sa dimokratikong pamamaraan ay maaaring makapag papa-init pa sa isyu. Syempre pa hindi ako diplomat at wala po akong alam sa tinatawag nating democratic protocol ngunit may nagsalitang diplomat ng ganito... yung ating dating diplomat sa Indonesia (nalimutan ko na ang pangalan). Sabi po nya ... kung totoo ngang galit ang presidente (outrage nga po ang ginamit na salita ni Sec. Panelo eh) dapat ay ipatawag ang Ambassador sa China at ang humarap ay si Secretary Locsin ng DFA (Department of Foreign Affairs). Iparating nya ang madiing pag kondena ng bansa sa pangyayaring yan at dapat aksyunan agad ng China ang isyung ito. Ito ay isang demokratikong protesta at hindi po ordinaryo ang pangyayaring ito.
22 Filipinos ang muntik na mapahamak. At panahon na siguro na magkaroon ng multilateral na pag-uusap na ideklara ang lugar na common fishing ground. Ang bilateral ay ikaw lang at China ang nag uusap. Pero yan talaga gusto ng China na tayo lang ang nag-uusap at huwag nating isama ang iba.
Pero hindi lang tayo at China ang umaangkin ng lugar, ang Vietnam din. Kaya nga may Vietnamese din na nangingisda sa lugar. At sila tumulong sa mga Filipino sa lumubog ang bangka. Dapat isama na ang Vietnam sa usapang yan. Matatandaan na mayron din silang bangka na pinalubog ng China di ba? Pati ang Japan nagre-reklamo na din nga sa insidenteng pagpapalubog diumano isang Japanese vessel nila.
Ako ay naniniwala na hindi pangkaraniwang magingisdang Tsino ang bumungo. Ito ay may pakay na itaboy at takutin ang mga mangingisda dun sa mga sinasakop nilang teritoryo. Maaaring ito na ang trigger na tangalin na ng China ang kanilang bangkang panakot sa lugar -- di ito nakakatulong, this deserves international condemnation.
Umasa tayo na tutugunan ni presidente Duterte ang kasong ito sa paraang may pagsasaalang-alang sa kapakanan ng Pinoy. Umaasa din tayo na maihahatid ng pangulo ang mensahe sa China na ang KAIBIGAN - kung yan ang turing mo sa amin. Di mo ginaganyan. Ang kaibigan ay ginagalang.
Related Stories:
How the Vietnamese rescued Pinoy fishermen rammed by Chinese vessel
In the dead of night of June 9, most crew members of GEM-VIR1 were asleep, dog-tired from nearly 2 weeks of catching fish in the West Philippine Sea.
Navigation lights illuminated their boat while it was berthed in the waters off Recto Bank (Reed Bank) near Palawan to avoid the risk of allision.
The 22-man crew safely returned to their families Friday night. The incident may have left them badly shaken, but for them who rely on fishing for their livelihood, they may well go out to sea again before long. Read more.
Duterte on Recto Bank incident: Wait and let the other party be heard
The Chinese Embassy said the fishing vessel left because it was afraid of being "besieged" by Philippine boats that it said were in the area. The Filipinos were rescued by a Vietnamese fishing vessel, according to the Department of National Defense which first told media about the incident. Read more.
0 Comments
Share your comments here.