‘Bawal Bastos’ now a law kahit hindi pirmado ng pangulo.

SAFE SPACES LAW!

Panukala na layong  parusahan ang pambabastos sa kalsada at maging online, ganap na ngayong batas. Cultural change ang pangunahing layunin ng "bawal bastos" law na ito.


Si Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin ang may akda ng nasabing bill at isa ng batas sa ngayon.

Ang ipinanukalang Safe Streets, Public Spaces at Workplace Act, na kilala rin bilang bill ng "Bawal Bastos", ay naging batas na noong Abril 21 pa. Matapos ang hindi pagkilos o hindi paggalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang bicameral conference committee report na pinatibay noong Pebrero. May ganun pala, kaya pa at naging batas na siya ngayon kahit hindi pirmado ng Pangulo.

Sa isang interview kay Sen. Risa Hontiveros na isa sa nag pasa sa batas:
Sakop daw ng bawal bastos law na ito ay ang mga rape jokes (hmm alam na natin kung sino ang pinatutungkulan niya). Maaaring magreklamo ang biktima sa mga pulis at puwede silang mag-isyu ng tiket. Sa Quezon City pa lamang daw ay 3 sa 5 babae ang nakaranas ng sexual harassment base sa survey. Ang naunang related law kahalintulad nito na Anti-Sexual Harassment Act ay nakatutok lamang daw sa mga superior na nambibiktima ng kanilang subordinate. Mas pinalawig ika nga.

Kasama daw maliban sa mga Barangay at Pulis ay ang MMDA sa pagpapatupad ng batas na ito. Totoo ba?

Ito ang mga nakatalang uri ng mga sexual harassment:

Cat-Calling (make a whistle, shout, or comment of a sexual nature to a woman passing by)
Wolf-Whistling (whistle to express admiration)
Stalking (may include following the victim in person or monitoring them)
Leering (looking or gazing in a lascivious or unpleasant way)
Transphobic, homophobic, Sexist Slurs (negative attitudes, feelings or actions toward transgender or transsexual people, or toward transsexuality)
Public Masturbating (sexual stimulation of one's own genitals)
Sexual Advances (request for sexual favors)
at iba pang Gender-based Sexual Harassment.

Hanggang P500,000 multa at pagkakakulong, parusa sa mga lalabag sa Safe Spaces Law.

Challenges we saw is the implementation. Kaya feeling ko yung karamihan ay palalampasin na lang or patatawarin ang mga nambastos sa kanila hanggat kaya ika nga. Kase baka gumastos pa sila sa demanda sa pag angal nila sa ginawang iyon sa kanila.

Pero kung paulit-ulit na. Dito ko nakikita na mas may gamit ang batas na ito. Salamat sa may akda at mga nagpatupad at magpapatupad ng batas na ito.

Post a Comment

0 Comments