Taong 1993 at nasa pamamalakad ng militar ang buong Marag Valley into the military's campaign in rebel-controlled Marag Valley. Maraming tao ang sapilitang napaalis sa kani-kanilang tahanan at pamilya dahil sa giyerang militar at rebelde. Lahi sa lahi. Sina Emma (LJ Reyes) at Nardo (Anthony Falcon) ay kasama sa kanila. Naging kaibigan nila ang sundalong si Joel (Luis Alandy). Nakikipag-laro ng baraha, nagbibigay ng pagkain. Tag-gutom at tag-tuyo nuon. Gabi ng "eclipse".

Walang putol kuha ng kamera, tuloy-tuloy lang parang isang mahalagang"coverage" na walang patalastas. Ginawa na parang isang lumang pelikula ang palabas. Ma-drama at mapang-akit ang pelikula. Na-alaala ko tuloy ang pelikulang "Silip" ni Elwood Perez, na isinulat ni Ricky Lee na ipinalabas noong 1980's. Pinagbidahan nila Maria Isabel Lopez at Sarsi Emmanuel.

Ano ang moral at immoral, at ano ang relasyon nito sa takot ng bawat isa sa digmaan?
Paglalaruan ang iyong kutob habang pumapailalim ang istorya.
Salita sa salita.
Damdamin sa damdamin.
Init sa init.

Mga hindi matatawarang pag-ganap, walang kiyeme.
Naghahatakan ang mga karakter sa ikagaganda ng bawat pag-ganap ng isa't isa.
Nakakahanga.






#MustSee on big screen.
#VeryGoodFilm
Totoong
totoo ang mga eksena, madadala ka talaga. May mga pagkakataong mararamdaman mo na parang
nanonood ka ng isang stage play sa Tanghalang Huseng Batute ng CCP. Parang isa
sa mga magagandang kalahok sa Virgin Labfest (kapana-panabik na parang "Huling-Huli"). Unsensored ang mga eksena simula umpisa hanggang sa huli ay parang walang "cut". Dire-diretso ang kuha ng kamera. Parang kasama mo sila sa eksena pero di ka nila nakikita. Parang ikaw ang kamera. Ikaw ang kumukuha.
Art film ang pelikulang ito. Hindi ako nainip. Oo at may mga tanong ako pero ako na rin ang sumagot dahil nadama ko ang mga karakter. Nakilala ko sila ng matapos ang palabas.
Parang isang tula, bumagay naman at hindi ako "nakornihan".
Ang
gagaling ng tatlong tauhan.
Salamat at napanuod ko ang pelikulang ito.
Ako si Kuya Bo #AlipinNgPelikula



0 Comments
Share your comments here.