PORK BARREL artworks...

Today is August 26, National Heroes Day. A National Holiday.
If you are a TAX PAYER... join the PORK BARREL march. Not only in Luneta (in Manila) but online.
Use hashtags: #pdaf  #scam #porkbarrel #millionpeoplemarch #luneta #scrappork #abolishpork #bantaykaban 

Tuloy-tuloy lang tayo, kilalanin ang mga kawatan at gahaman sa gobyerno.
Tuwing eleksyon "Transparency" ang mga laging nasa bunganga. Nang maluklok na o maluklok muli -
nanahimik na. Kaya pala ganon na lang kung mag-agawan sa upuan. 
Angka-kapal ng mga mukha. Tayo ang kumilos. Muli nating uulitin ang ganitong maka-bayang pagtitipon kapag hindi sila makikinig. Tayo ang "Boss" at hindi sila.




Juana Change... as Ms. Piggy inside a barrel...

































































Ang aking panananaw sa ngayon, dahil hindi naman ako mambabatas, ako'y simpleng mamamayan na kinakaltasan ng tax na tingin ko ay may kalakihan. At nakapanghihinayang kung makikita mong malinaw na malinaw na ninanakaw ang perang pinaghirapan mo.

Naalala ko tuloy ang ilang kuwento na halos pare-pareho ng ilang mahihirap na taong malapit sa akin na kapitbahay at kaopisina. Dapat daw may napunta sanang pondo sa libre o mura na de-kalikad sa pag-aaral, at lalo na sa gamutan. Subukan mong lumapit sa munisipyo o politiko kapag me sakit o namatayan ka. pahirapan yan... magtanong ka sa isang mahirap. Pababalik balikin ka sa kaunting halaga. Mahirap ka na e maglilimos ka pa. Pulubing pulubi ang pakiramdam aniya ng kaopisina kong hirap sa buhay pero namumuhay ng marangal. Pero kung may kasiyahan ang isang grupo o outing sa isang barangay o komunidad - tignan mo mabilis ang pag-agos ng pera.

Posted by cultureshock

Comment on Facebook

Post a Comment

0 Comments