REKORDER - Cinemalaya 2013

CINEMALAYA Philippine Independent Film Festival 2013 (Year 9)
Using Day-Pass Tickets on July 28, 2013 (Sunday)

3:30pm / CCP Main Theater
"New-Breed Movie" REKORDER Gala Screening
90min / PG
By Mikhail Red




Istorya ng isang film cameraman ng 80's (Ronnie Quizon) pero ngayon ay kumukuha na lang ng panakaw sa sinehan ng Greenhills sa San Juan hawak ang isang film rekorder. Muntik ng mahuli... nakalabas sya sa mall at tumakbo sa mga eskinita... me isang batang pinagtulungan hanggang mapatay ng apat ding kabataan. Nakunan ng rekorder nya ang pangyayari.


Me papel din sina Buboy Villar - bilang look-out ni Ronnie, Earl Ignacio - bilang kaibigan ni Ronnie na tindero ng pirated movies na pilit ini explain na di na uso yung kinukunan pa sa sinehan (dina-download na lang... "me punto din naman, bi ba nga... aminin."). Suzette Ranillo - asawa ni Ronnie, Belinda Mariano - anak ni Ronnie, Lowell Conales at Mike Lloren - bilang mga pulis, Joe Gruta - pulubi/yosi boy, Archie Adamos - tindero ng old appliances.

 

Si Ronnie, merong mga hindi convincing na pagkilos at eye movements para sa akin gaya ng pagtakbo nya na pilit lang sa tingin ko habang hinahabol sya ng mga pulis. O umiyak ba sya o tumulo ang luha man lang? - parang wala. Pero ganon ata talaga ang karakter nya.  Marami din namang maaalala mo talaga ang acting at mata nya. Sa mata ka talaga mapopokus dahil maraming closeup shots.


Medyo mabagal ang pelikula dahil gustong ilarawan maigi ang karakter ng Ronnie. Tingin ko, pinipilit nya ring binibigay ang karakter nya. Di masyadong bigay pero naibigay nya sa tingin ko. Dahil sa bandang huli kahit anong pintas ang gawin ko sa pelikula... bumigat sa dibdib. Naiyak ako. 


Ito lang sa lahat ng limang pelikulang pinanuod ko ang nagpa-sikip ng dibdib ko.
Halata at mugto ang mata, huminto ako sandali sa pinakahuling upuan bago lumabas. Huminga ng malalim. Mahirap lumabas sa Tanghalan ng may luha sa mata. Me mga ilaw at kamera sa labas. Kakahiya baka ma-"rekorder" din ako. Hahaha.


Cinemalaya 2013 is until August 4 (Sunday), 2013 (from July 26) at CCP theaters, Trinoma, Greenbelt, and Alabang Town Center Cinemas. Look for screening schedules or buy tickets online www.ticketworld.com.ph

Written by Cinemangot
Posted by kuyabo@taralets.com


Comment on Facebook!

Related Articles:
EXTRA - Cinemalaya 2013
BABAGWA - Cinemalaya 2013
PORNO - Cinemalaya 2013
TRANSIT - Cinemalaya 2013
I SURVIVED CINEMALAYA 2013 DAY-PASS
CINEMALAYA 2013 DAY-PASS
Vilma Santos is Extra in Cinemalaya 2013
Cinemalaya 2013 - SHORT FILMS
Cinemalaya 2013 - DIRECTORS SHOWCASE
Cinemalaya 2013 - NEW BREED CATEGORY

Post a Comment

0 Comments