"I Survived CINEMALAYA 2013 Day-Pass"

CINEMALAYA Philippine Independent Film Festival 2013 (Year 9)
Using Day-Pass Tickets on July 28, 2013 (Sunday) From 10am to 9pm.

We support good Pinoy movies... baket kamo? 
"Basta", gaya nga ng sabi sa isang tv komersyal na pang-bata. Hind mo alam kung bakit pero pag gusto mo - "gusto mo". Hindi dahil sabi ng iba na dapat panoorin ang sariling gawang pelikulang atin, o dahil maraming artistang dadalo kasabay mo manuod ng sine (..pwede rin hehe). Isa siguro sa dahilan ko kung bakit ko papanuorin o bakit ako bumili ng tickets para sa film festival na ito ay dahil "gusto ko ng bago". I am looking for something new for Pinoy movies. Sa dami ng pelikulang mapapanuod sa internet sa panahon ngayon. Napupunan ang kulang sa utak at puso natin sa kakahanap ng magandang pelikulang para sa atin.
Ako, wala akong pinipiling partikular na "genre". Pagkatapos ng pelikula alam kong me gustong ibigay ang istoryang ito sa akin. Pano? By letting go of myself when inside the cinemas, it's between you and the silver screen. Dahil iba-iba naman talaga minsan ang gustong ibigay na mensahe sa bawat isa. 
Hindi ko man mapansin ang kamalian o kagandahang pang teknikal sa mga pinanuod ko dito... "basta" eto ang naibigay nila sa akin sa kabuuan...

10:00am / CCP Little Theater
"Directors Showcase" PORNO 
90min / R18
By Adolfo B. Alix Jr.

Parang porn movie na rin. I'm sure maraming cut na ito pag ipinalabas sa mga sinehan.
The film starts with film-clip amateur type filming (ala "scandal video"). Hidden camera sa isang hotel. Nag-pakita ang mga amateur actors (lalake at babae) ng mga ari nila. Nag-patungan. Strong-dirty words used. Hard-pumpin'sex, nag-sasakitan sa isa't isa. Ang isang napansin ko...hindi tinitigasan ang lalake. Sana kahit semi-erected lang pwede na para mukang makatotohanan sana. Or di na lang sana nahagip sa kamera yung ari ng lalaki para maisip na lang ng manunuod na interesado talaga sya sa partner nya. At the end nakita ng babae yung kamera habang parang nakatigin sa amin (audience) at nagtata-tawa. Basta, okay na sana, me parang kulang lang.

Tatlong istoryang me pagka dugtong-dugtong...
(1) Istorya ng preso (Yul Servo), Rosanna Roces - kasiping ni Yul sa kama. Bembol Rocco - Boss ni Yul.
Maganda ang start credit nila kung saan extreme closeup (...blurd) ng "fucking scene" nila Yul at Rosanna na kita ang ari ng lalaki na me condom. Dinagdagan pa ng isang musika. Hindi ko alam kung matatawa ako o tititig sa screen. Parang bastos na parang hindi. Walang tumawa... lahat nakatitig lang siguro sa screen. Maganda, nakuha muli ang atensyon ko.

Isa pala itong eksena sa isang mainip na pagtatalik nila Yul at Rosanna sa isang motel. Kwentuhan after sex. Maganda ang eksenang sumunod - maganda ang kuha ng kamera ke Rosanna habang nagdadamit at kinakausap si Yul sa ilalim ng isang TV set na nasa dingding sa itaas ng isang salamin - ang pinapalabas ay isang double-penetration (dalawang lalake at isang babae) porn movie na medyo me mahinang sound ng ungulan. Di na ako bago sa eksenang ganito. Naging natural sila Yul at Rosanna sa eksenang ito. Then eksena ni Bembol. Makatotohanan at nakakagulat ang pag-baril. Hindi naman silencer pero parang walang naka-rinig. Nagpakita ng lahat lahat si Rosanna. Si Bembol din nagpakita ng... ulo. Sinamahan ng konting kababalaghan... di ko na naintindihan.

(2) Pangalawa.... Scandal movie nila Yul at Rosanna na nakunan ng panakaw sa motel isasa DVD na at ipagbibili sa Quiapo. Pero bago mangyari yun... Ida dubbing muna nila Hasel Espinosa at Carlo Aquino. Sila ang gaganap na boses nila Rosanna at Yul sa DVD. Nakakatawa at maganda ang mga eksena. Me pinakitang eksena na nag-ma-masturbate si Carlo at pinakita ang ulo ng ari nya. Mag-isip ka ngayon kung totoo o hindi. Pinasukan din ng kababalaghan sa huli.

(3) Pangatlo... Angel Aquino bilang isang "transgender" o isang lalaki na nagkaroon ng ari ng babae... pano? syemre nagpa-opera... walang himala noh. Seksi at maganda at bilang isang parlolista at dancer sa bigatin, nakakalibang, sosyal at family entertainment na ClubMwah sa Boni, Mandaluyong (...o nagpromote ako ha Pocholo). Me jowang foreigner na lolo na. Me anak si Angel sa abroad na bata pa at kilala sya sa mukha nyang lalake... Me hawig pala si Angel ke Beyonce pag extreme face closeup at foggy ang mata. Pinasukan na naman ng kababalaghan sa huli.

Naisip ko na lang... tungkol sa kababalaghan ba ang pelikulang ito?
Hindi sa tingin ko, pwede mo rin naman syang sabihing..... "kunsensya" at minsan "ilusyon" lamang sa mga utak ng mga karakter ang ipinakita sa huli. Me konting ganap sa pelikulang ito sina Anita-Linda, Alan Paule at Ricky Davao.



 

12:45pm / CCP Main Theater  
"New-Breed Movie" BABAGWA (The Spider's Lair) - Gala Screening
101min / R16
By Jason Paul Laxamana

Isang Internet scammer (Alex Vincent Medina) na nag-kagusto sa isang mayamang babae (Alma Concepcion) habang sinusubukang ma-perahan gamit ang facebook at cellphone. Paulit ulit na maganda at maliligaw ka (at muling babalik) sa mga eksena nila Alex at Alma. 

Maganda din at nakakatawa ang kay Joey Paras bilang bading na kasabwat ni Alex. Nawili ako at natawa sa eksenang uunahan nyang siraan si Alex kay Alma, kaya tumakbo sya ng todo (at makatotohanan talaga ha, ang daming kumakalog, hindi mahiyain at bigay na bigay...magaling!) para lang maka-pag online sa internet shop ng kaibigang bading. Binoljak yung batang nagpe-peso net pa ata hahaha, para maka singit.

Maraming nakakatawang eksena. Ganito ang pelikula pag me bading... patatawanin ka talaga. Biglang ikukuwento ang background ni Joey para magkaroon ng puso ang karakter nito sa mga manunuod.

Napaka natural ng lamugan sa kama nili Chanel Latorre at Alex. Biruang me hampasan at kurutan na makatotohanan, me duraan pa kung minsan. Di ko na gusto pag nag drama si Chanel nagiging blanko ang mga mata (..ewan), mas gusto ko sya sa bed scene moments nila. Sobrang galing nilang dalawa sa mga eksenang ganon.

Charming at effective din si Kiko Matos bilang rich guy version ni Alex. 
Napansin di si Nico Antonio, nakilala ko ang karakter nya sa di ko na matandaang pelikula bilang "hipon". Magandang katawan na di kagwapuhan. Pero and karakter at mukha nya di ko nalimutan. Tanga-tangahan lang din sa pelikulang ito bilang simpleng fan ni Alex sa gym.

Umekstra si Marx Topacio bilang "apple of the eye" ni Joey habang nire-recruit sa biniki pageant. Ang gara ng takam-takam na si Joey. 

Garry Lim bilang driver ni Alma. 

Sobra ang hiyawan ng mga manunuod sa eksena at linyang ito na binitawan ni Alma Concepcion habang luhaan na nakalublob sa bath tub...."..pera lang 'yon, marami ako 'non. Eh ang puso ko? Nag-iisa lang to..." (di man eksakto, pero parang ganyan 'ata...hahaha) Sigawan talaga, lumabas ang kilig at simpatya ng tao sa karakter ni Alma. Nadala ako. Haha.

At sa huli, tumugtog ang isang sobrang sikat na kanta na medyo korni pero umepek sa eksena. Kasar! 'Ganda. Gusto ko itong ipanuod sa lahat, hindi lang sa mga facebook users. 

Lesson learned... magsisi ng lubusan sa kasalanan. Yun ba? Tama ba?


3:30pm / CCP Main Theater
"New-Breed Movie" REKORDER Gala Screening
90min / PG
By Mikhail Red

Istorya ng isang film cameraman ng 80's (Ronnie Quizon) pero ngayon ay kumukuha na lang ng panakaw sa sinehan ng Greenhills sa San Juan hawak ang isang film rekorder. Muntik ng mahuli... nakalabas sya sa mall at tumakbo sa mga eskinita... me isang batang pinagtulungan hanggang mapatay ng apat ding kabataan. Nakunan ng rekorder nya ang pangyayari.

Me papel din sina Buboy Villar - bilang look-out ni Ronnie, Earl Ignacio - bilang kaibigan ni Ronnie na tindero ng pirated movies na pilit ini explain na di na uso yung kinukunan pa sa sinehan (dina-download na lang... "me punto din naman, bi ba nga... aminin."). Suzette Ranillo - asawa ni Ronnie, Belinda Mariano - anak ni Ronnie, Lowell Conales at Mike Lloren - bilang mga pulis, Joe Gruta - pulubi/yosi boy, Archie Adamos - tindero ng old appliances.

Si Ronnie, merong mga hindi convincing na pagkilos at eye movements para sa akin gaya ng pagtakbo nya na pilit lang sa tingin ko habang hinahabol sya ng mga pulis. O umiyak ba sya o tumulo ang luha man lang? - parang wala. Pero ganon ata talaga ang karakter nya.  Marami din namang maaalala mo talaga ang acting at mata nya. Sa mata ka talaga mapopokus dahil maraming closeup shots.

Medyo mabagal ang pelikula dahil gustong ilarawan maigi ang karakter ng Ronnie. Tingin ko, pinipilit nya ring binibigay ang karakter nya. Di masyadong bigay pero naibigay nya sa tingin ko. Dahil sa bandang huli kahit anong pintas ang gawin ko sa pelikula... bumigat sa dibdib. Naiyak ako. 

Ito lang sa lahat ng limang pelikulang pinanuod ko ang nagpa-sikip ng dibdib ko.
Halata at mugto ang mata, huminto ako sandali sa pinakahuling upuan bago lumabas. Huminga ng malalim. Mahirap lumabas sa Tanghalan ng may luha sa mata. Me mga ilaw at kamera sa labas. Kakahiya baka ma-"rekorder" din ako. Hahaha.

 

 

6:15pm / CCP Main Theater
"Directors Showcase" EXTRA - Gala Screening
11min / PG
By Jeffrey Jeturian

Isa sa pina-sikat sa Cinemalaya film sa taong ito. Bakit ba naman hindi, eh Vilma Santos to noh! 
Binigyang buhay nya ang istorya ng isang EXTRA. Ipaparamdam sa yo na sumusubaybay ka sa istorya ni Loida (Vilma). Kung 'san sya mapunta, nandun ka rin. Magaan sa pakiramdam and pelikula. Lagi mong iisiping tumawa. 

Sobrang kinalkal ang mga buhay behind the scenes o pag-gawa ng pelikula or soap opera. Katatawanan sa gitna ng seryosong bangayan.

Nandito din sina Marlon Rivera - bilang direktor, Vincent de Jesus - assistant ni direk, with the special participation of Piolo Pascual, Pilar Pilapil, Cherie Gil, Cherry Pie Picache, Richard Yap, Tom Rodriguez, and Marian Rivera.

Lesson learned, kumita ng Php4,500 isang araw at sundan si Loida kung san me raket sa pag-ekstra. Hahaha. O pewede na ba ang..."mag-ipon, mahirap kumita ng pera." Pwede na ba yon? 

O eto..."Hindi lahat ng roles pwede sa yo, kung alam mo na 'di bagay sa yo...tangihan mo!" 
Oy, yan okey yan.. applicable for everyday life.

Sa pelikulang ito, merong hindi nagawa si Loida na gustong gusto nyang gawin. Napahiya. Nanghinayang. 'Dun tinapos ang istorya. Maganda ang pagsasalarawan ng lahat mula sa komedya at drama-dramahan ng bawat karakter. Pero sa huli maiiwan kang naka-tanga. Nga-nga!

Gaya ng nangyari ke Loida. 

9:00pm / CCP Main Theater
"New-Breed Movie" TRANSIT - Gala Screening.
93min / PG
By Hannah Espia

Ang plot ay sa labas ng 'Pinas.... sa Israel. Gumagamit sila ng salitang Israeli (Arabic).
Pakikipaglaban ng ama (Ping Medina) sa 4-1/2 years old na anak (Marc Justine Alvarez) hindi mapa-deport sa 'Pinas.  A Filipino single-dad working as a caregiver in Herzliya, Israel,  Dahil sa takot sa batas na umiiral sa ipapa-deport ang mga "not legal" citizens ages below 5. Itinatago ni Ping and Irma Adlawan (pumapel na kapatid ni Ping) and anak sa mga immigration police para di masita.

Kasama sina Jasmine Curtis Smith - sa magandang pagganap bilang anak ni Irma sa isang Israeli (nakakatakot ang galing ng batang ito sa pag-arte, sana di lumaki ang ulo sa mga papuring matatanggap.), Mercedes Cabral - tumatak din naman ang pagganap dahil  sa ma-emote na mukha (Hehe), magaling sya di matatawaran, yun na. Paborito so 'sya.
Ping Medina (kapatid ni Alex Medina na nasa pelikulang "Babagwa") - matigas ang mukha sa pelikula, mararamdaman mo talagang me malaking pasanin. Magaling.
Marc Justine Alvarez - sobrang galing, grabe... ang galing ng director. Nakuha nya ang inosenteng ugali ng bata. Mapagtanong pero di ober na karakter ng bata. Hindi batang "aral" ang ugali. O halatang tinuruan lang ng matanda para umar-te. Parang kausap mo lang yung bata. Natural ang dating sa akin. Tumatak ang eksenang pagtakbo ni Marc at nakasalubong ang isang immigration officer. Magaling at totoo ang mga sinasabi ng mata.

Magaling ang mga tauhan sa istorya. 
Maganda ang end credits... habang hinihintay ang luggage bag ni Ping at anak. Parang sinasabing me istorya pa.





  


 

 

 


"I survived CINEMALAYA 2013 DAY-PASS 
(From 10am to 9pm) See you next year... "

Oh! But wait... Cinemalaya 2013 is until August 4 (Sunday), 2013 (from July 26) at CCP theaters, Trinoma, Greenbelt, and Alabang Town Center Cinemas. Look for screening schedules or buy tickets online www.ticketworld.com.ph

Written by Cinemangot
Posted by kuyabo@taralets.com



Comment on Facebook!


Related Articles:
EXTRA - Cinemalaya 2013
REKORDER - Cinemalaya 2013
BABAGWA - Cinemalaya 2013
PORNO - Cinemalaya 2013
TRANSIT - Cinemalaya 2013
CINEMALAYA 2013 DAY-PASS
Vilma Santos is Extra in Cinemalaya 2013
Cinemalaya 2013 - SHORT FILMS
Cinemalaya 2013 - DIRECTORS SHOWCASE
Cinemalaya 2013 - NEW BREED CATEGORY

Post a Comment

0 Comments