BABAGWA - Cinemalaya 203

CINEMALAYA Philippine Independent Film Festival 2013 (Year 9)
Using Day-Pass Tickets on July 28, 2013 (Sunday)

 12:45pm / CCP Main Theater  
"New-Breed Movie" BABAGWA (The Spider's Lair) - Gala Screening
101min / R16
By Jason Paul Laxamana

Isang Internet scammer (Alex Vincent Medina) na nag-kagusto sa isang mayamang babae (Alma Concepcion) habang sinusubukang ma-perahan gamit ang facebook at cellphone. Paulit ulit na maganda at maliligaw ka (at muling babalik) sa mga eksena nila Alex at Alma. 





Maganda din at nakakatawa ang kay Joey Paras bilang bading na kasabwat ni Alex. Nawili ako at natawa sa eksenang uunahan nyang siraan si Alex kay Alma, kaya tumakbo sya ng todo (at makatotohanan talaga ha, ang daming kumakalog, hindi mahiyain at bigay na bigay...magaling!) para lang maka-pag online sa internet shop ng kaibigang bading. Binoljak yung batang nagpe-peso net pa ata hahaha, para maka singit.


Maraming nakakatawang eksena. Ganito ang pelikula pag me bading... patatawanin ka talaga. Biglang ikukuwento ang background ni Joey para magkaroon ng puso ang karakter nito sa mga manunuod.


Napaka natural ng lamugan sa kama nili Chanel Latorre at Alex. Biruang me hampasan at kurutan na makatotohanan, me duraan pa kung minsan. Di ko na gusto pag nag drama si Chanel nagiging blanko ang mga mata (..ewan), mas gusto ko sya sa bed scene moments nila. Sobrang galing nilang dalawa sa mga eksenang ganon.

Charming at effective din si Kiko Matos bilang rich guy version ni Alex. 


Napansin di si Nico Antonio, nakilala ko ang karakter nya sa di ko na matandaang pelikula bilang "hipon". Magandang katawan na di kagwapuhan. Pero and karakter at mukha nya di ko nalimutan. Tanga-tangahan lang din sa pelikulang ito bilang simpleng fan ni Alex sa gym.


Umekstra si Marx Topacio na mekaniko bilang "apple of the eye" ni Joey habang nire-recruit sa biniki pageant. Ang gara ng tawa ko ng ta-takam-takam na si Joey. 


Garry Lim bilang driver ni Alma. 


Sobra ang hiyawan ng mga manunuod sa eksena at linyang ito na binitawan ni Alma Concepcion habang luhaan na nakalublob sa bath tub...."..pera lang 'yon, marami ako 'non. Eh ang puso ko? Nag-iisa lang to..." (di man eksakto, pero parang ganyan 'ata...hahaha) Sigawan talaga, lumabas ang kilig at simpatya ng tao sa karakter ni Alma. Nadala ako. Haha.

At sa huli, tumugtog ang isang sobrang sikat na kanta na medyo korni pero umepek sa eksena. Kasar! 'Ganda. Gusto ko itong ipanuod sa lahat, hindi lang sa mga facebook users. 

Lesson learned... magsisi ng lubusan sa kasalanan. Yun ba? Tama ba?



















Cinemalaya 2013 is until August 4 (Sunday), 2013 (from July 26) at CCP theaters, Trinoma, Greenbelt, and Alabang Town Center Cinemas. Look for screening schedules or buy tickets online www.ticketworld.com.ph

Written by Cinemangot
Posted by kuyabo@taralets.com


Comment on Facebook!

Related Articles:
EXTRA - Cinemalaya 2013
REKORDER - Cinemalaya 2013
PORNO - Cinemalaya 2013
TRANSIT - Cinemalaya 2013
I SURVIVED CINEMALAYA 2013 DAY-PASS
CINEMALAYA 2013 DAY-PASS
Vilma Santos is Extra in Cinemalaya 2013
Cinemalaya 2013 - SHORT FILMS
Cinemalaya 2013 - DIRECTORS SHOWCASE
Cinemalaya 2013 - NEW BREED CATEGORY

Post a Comment

0 Comments