recent posts

Mas Mahal Na Kita Ngayon

Sing-A-Long: Mas Mahal Na Kita Ngayon
By Young Men



Lyrics:

Mas mahal na kita ngayon, higit pa kesa noon
Mas mahal na kita ngayon, at sa habang panahon
Wala akong pakialam sa ‘king nakaraan
Kahit na ako’y pinagtatawanan
Ang mahalaga’y mas mahal na kita ngayon
Dahil…

Di mo na ‘ko tinutulak sa’ting hagdanan
Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
At sa gabi pag ako’y tulog nang mahimbing
Di mo na ako tinatakpan ng unan
Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
Di mo na ‘ko sinisipa sa ‘king harapan
At mas makinis na rin ang balat sa dibdib
Dahil hinding hindi mo na ‘ko pinakukulam
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon

Mas mahal na kita ngayon
‘Wag ka nang magtatanong
Basta’t mahal na kita ngayon
Yan ang lagi kong tugon
Kahit di mo nakikita o nararamdaman
Ang aking tuwa ay walang paglagyan
Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon
Dahil…

Di mo na pinapakain ng para sa pusa
Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
At pag sinabi mo sa ‘king gupit ko’y maganda
Di na masyadong malakas ang iyong tawa
Di mo na ‘ko pinasisinghot ng paminta
Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
Hindi na kulay dugo ang aking paningin
Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon
Ang mahalaga’y mas mahal na kita ngayon
Dahil…

Di mo na kinukwentong satanista ako
At ang nanay ko’y nireyp ng isang maligno
Nabawasan na rin ang bukol sa ulo
Dahil hindi mo na’ko pinapalo ng tubo
‘Di mo na pinapalayas ng nakahubo
‘Di mo na pinapalayas ng nakahubo
‘Di mo na pinapaligo ng bagong kulo
Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon… howohuwohuwo
(’Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon)
Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon
Ang cute mo naman bagay ka sa iyong… ataul…
Hay salamat!


About the video:
Young Men's version of Michael V's Mas Mahal Na Kita Ngayon adds hilarity to the song as it is humorously sung by the most exciting Young Male finds Mr. Pogi Grand Winner and Indie Film Gem EDGAR ALLAN GUZMAN and Mr. Pogi 1st Runner Up and newest sexy sensation and ANDREW MIGUEL. This single is included in their self-titled album Young Men released under Ivory Music & Video.
Mas Mahal Na Kita Ngayon Mas Mahal Na Kita Ngayon Reviewed by TaraLETS.com on 9:00 PM Rating: 5

2 comments:

  1. Ganda ng SOng and tunes... grabe i HATE the last few lyrics.. w/ the word "Ang cute mo naman bagay ka sa iyong… ataul…" kaasar grrrrr. Mas sisikat pa sana yung song. Para kaseng ganda ng song then you wish for your love to die ASAP. yuk. Di ko 2loy makanta sa loves ko. i hate u whoever wrote this song. I love to sing it sana kaasar talaga. ewan.

    ReplyDelete

Share your comments here.

Powered by Blogger.